^

Probinsiya

Babaeng Intsik dinukot ng 9 lalaki sa Cavite

Cristina Timbang, Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon
Babaeng Intsik dinukot ng 9 lalaki sa Cavite
“Ang pagkakakilanlan at ang alyas ng kidnap-victim ay nananatiling hindi alam, kahit ang kanyang mga kasambahay ay hindi alam ang kanyang pangalan at ang kanyang trabaho,” sabi ni Major Mark Anthony Sarno, Deputy Chief of Police ng General Trias City, sa telepono. Ayon sa ulat ng pulisya, nangyari ang umano’y kidnapping noong Miyerkules bandang alas-3:00 ng mada­ling araw at iniulat ito sa mga otoridad ng pulisya bandang alas-6:38 ng umaga.
File

MANILA, Philippines — Isang 33-anyos na babaeng Chinese ang dinukot ng siyam na hindi pa nakikilalang armadong lalaki sa kanyang inuupahang bahay sa Barangay Navarro, Gen. Trias City, Cavite, nitong Miyerkules ng umaga.

“Ang pagkakakilanlan at ang alyas ng kidnap-victim ay nananatiling hindi alam, kahit ang kanyang mga kasambahay ay hindi alam ang kanyang pangalan at ang kanyang trabaho,” sabi ni Major Mark Anthony Sarno, Deputy Chief of Police ng General Trias City, sa telepono. Ayon sa ulat ng pulisya, nangyari ang umano’y kidnapping noong Miyerkules bandang alas-3:00 ng mada­ling araw at iniulat ito sa mga otoridad ng pulisya bandang alas-6:38 ng umaga.

Nasa kanyang inuupahang tirahan ang biktima na may kasamang maraming kasambahay nang biglang dumating ang siyam na lalaki at sakay ng dalawang kotse pulang Mitsubishi adventure (NCY-4936) at silver Mitsubishi Mirage (NAF-5112) sa harap ng bahay.

Ang ilan sa mga kidnapers ay bumaba sa mga sasakyan at pumasok sa bahay habang ang iba kasamahan naman ay tumuloy sa silid ng biktima.

Ang biktima ay puwersahang kinaladkad ng mga suspek palabas ng kanyang silid at ipinasok sa loob ng sasakyan. Sinabi ng pulisya na tinangay pa ng mga kidnapper ang mga personal na gamit kabilang ang isang cellphone at kinarnap ang sasakyan ng biktima na Mercedez Wagon (NFT-3998) bago sila umalis sa lugar ng krimen.

ABDUCTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with