^

Probinsiya

Underwater drone na narekober sa Bohol iniimbestigahan ng AFP

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Iniimbestigahan na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang ‘underwater drone‘ na natagpuan sa karagatan ng Bohol.

Ayon kay Col. Xerxes Trinidad, Chief ng AFP Public Affairs Office, nakipagkoordinasyon na ang AFP sa lahat ng units nito kabilang ang Naval Forces Central para mangalap pa ng ka­ragdagang impormasyon upang madetermina ang insidente.

Base sa video na kumakalat sa social media, isang hindi natukoy na bagay na may kulay pula at abo ang makikitang lumulutang sa tabi ng bangka ng mga ma­ngingisda.

Samantalang, ayon sa mga netizens ang nasabing bagay na narekober ng mga mangingisda kamakalawa ay isang submersible drone mula sa China.

Binigyang diin ng opisyal ang dedikasyon ng AFP sa pambansang seguridad at hinikayat ang publiko na manati­ling vigilante.

Hinikayat din ng AFP ang netizens na ireport sa mga otoridad ang anumang kahinahina­lang aktibidad at mga marerekober na bagay tulad ng drone para maaksiyunan ito.

Magugunita na noong Enero 15 ay iniulat ni Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, Spokesman ng Philippine Navy sa West Philippine Sea (WPS) na umaabot na sa limang submersible drone ang narerekober sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with