^

Probinsiya

Koreano nadiskubreng patay ng lover

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang Korean national ang nadiskubreng wala ng buhay sa loob ng kanilang bahay ng kinakasama nito ka­makalawa ng hapon sa isang subdivision sa Brgy. Paliparan 1,Dasmariñas City, Cavite.

Nangangamoy na ang biktima na kinilalang si Mu Chi Yoon, nasa hustong gulang, residente ng Greenwoods Executive Village, Brgy. Paliparan 1, Dasmariñas City, Cavite.

Sa salaysay ng kinakasama ng biktima na si Mirasol sa pulisya, nadiskubre umano nito ang wala ng buhay at nangangamoy habang nakahandusay sa kusina, alas-2:00 ng hapon.

Ayon kay Mirasol, Enero 20 nang magpaalam siya sa biktima na uuwi muna sa kaniyang magulang at Enero 22 ng muli itong bumalik ay nadiskubre ang patay ng biktima.

Sa pahayag pa nito, posible umanong nahulog ang biktima habang nag-aayos ito ng mga ilaw sa kanilang bahay. Wala namang nakita ang pulisya na foul play sa insidente.

PATAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with