MANILA, Philippines — Inuga ng magnitude 6.1 na lindol ang Zamboanga del Norte kahapon ng umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naramdaman ang intensity 4 na lindol sa lungsod ng Zamboanga.
Sinabi ng Phivolcs na naramdaman ang lindol dakong alas-11:41 ng umaga sa silangan ng Siocon, Zamboanga del Norte.
Ang origin ng lindol ay tectonic at ang lalim ng lindol ay 032 kilometro.Inaasahan ang pinsala at aftershocks sa naturang lindol.