Rider sumalpok sa poste, tigok

MANILA, Philippines — Patay ang isang motorcycle rider nang sumalpok ang minamanehong motorsiklo sa isang boundary post sa Teresa, Rizal, nitong Miyerkules.

Hindi na umabot ng buhay sa Rizal Provincial Hospital ang biktimang si alyas ‘Mark’ bunga ng tinamong matinding pinsala sa ulo at katawan.

Iniulat ng Teresa Municipal Police Station na dakong alas-4:00 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa Corazon C. Aquino Avenue, Barangay Prinza, Teresa.

Sa imbestigasyon, binabaybay ng biktima sakay ng Honda beat motorcycle ang Corazon Aquino Ave. na nagmula sa Antipolo City patungong Morong, Rizal nang maganap ang aksidente sa boundary ng Teresa at Morong. May nakuhang anim na sachet ng pinatuyong marijuana sa lugar na inaalam pa kung ito ay bitbit ng biktima.

Show comments