^

Probinsiya

Magkasintahan na ikakasal utas sa aksidente!

Joy Cantos, Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi na umabot sa altar ang isang magka­sintahan na nakatakda na sanang ikasal makaraang aksidenteng bumaligtad ang sinasakyang truck sa naganap na trahedya sa sinasabing accident prone area ng Brgy. Paltoc, San Emilio, Ilocos Sur, ayon sa ulat ng pulisya.

Kinilala ang mga biktima na sina Ibrahim Cardenas, 26-anyos na siyang nagmamaneho ng sasakyan at ang kanyang nobya na si Fatima Claire Pis-oy, 25 taong gulang.

Sa report ng Ilocos Sur Police, nangyari ang malagim na sakuna nitong Sabado habang ang magkasintahan ay sakay ng truck.

Ayon sa imbestigas­yon, nawalan umano ng preno ang truck dahilan sa nagloko ang makina nito habang pababa sa matarik na highway sa national road ang behikulo bunsod upang bumangga ito sa may paanan ng bundok sa gilid ng kalsada.

Sa kamalasan, bumangga ang truck sa gilid ng kalsada saka bumaligtad na malubhang ikinasugat ng magkasintahan. Nagawa pa silang isugod sa pagamutan pero kapwa idineklarang dead-on-arrival.

Nabatid na nakatakda nang ikasal ang mga biktima sa buwang kasalukuyan.

ILOCOS SUR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with