CAVITE, Philippines — Nauwi sa madugong engkuwentro ang inilatag na buy-bust operation ng Regional Police Drug Enforcement Unit (RPDEU) sa isang parking lot ng gasolinahan na ikinasawi ng isang suspek kahapon ng madaling araw sa Calamba City, Laguna.
Sa nakalap na ulat mula kay Police Major Joven Manalansan, OIC ng RPDEU, ala-1:55 ng madaling araw nang ilatag ng kanilang mga operatiba katuwang ang Calamba Police at Philippine Driug Enforcement Agency (PDEA) ang anti-drug operation sa parking lot ng Flying V Gasoline Station sa Brgy. Turbina, Calamba City.
Pagdating sa lugar, nakatunog ang mga suspek na pulis ang kanilang katransaksyon kung kaya pinaputukan nila ang grupo ba nauwi sa ilang minutong engkuwentro.
Matapos ang palitan ng mga putok, bumulagta ang isa sa mga suspek na kinilala sa alyas na “Mark” habang naaresto ang apat na kasamahan na Kilala sa mga alyas na Princess, Kevin , Awen at Ron, pawang nasa HVI (high value individual) list ng pulisya.
Nabatid na habang nasa nasabing operasyon, kasama ng mga suspek ang 6-anyos na anak ng napatay na suspek na ligtas naman sa engkuwentro at kasalukuyan ngayong nasa pangangalaga ng (VAWC) Violence Against Women and Their Children) ng barangay.
Narekober sa mga suspek ang dalawang malaking selyadong plastic na naglalaman ng mahigit sa 2 kilo o 2000 gramo ng shabu na aabot sa halagang P13,600,000.
Isang naka-ziplock na transparent plastic bag na naglalaman naman nh marijuana o kush, isang Glock 9mm pistol na may 2 magazine at 25 na bala, osang Colt pistol Cal .45 na kargado ng magazine at itong bala, isang Glock 23 Gen 4. cal .40 pistol na kargado ng magazine at mga bala, isang magazine ng Glock Cal. 40 na may mga bala, apat na iba’t ibang uri ng cellular phone, at isang kotseng Toyota Vios (NIT 9614) na gamit ng mga suspek.