RAPU-RAPU, Albay, Philippines — Nangisay at agad namatay ang isang elektrisyan ng National Power Corporation (Napocor) nang aksidenteng makuryente habang nagkakabit ng ilaw ng tent sa lamay ng kanyang biyenang lalaki sa Purok-5, Brgy. Poblacion, Rapu-Rapu, Albay, kamakalawa ng hapon.
Isinugod pa ng mga kaanak ang residente sa Rapu-Rapu District Hospital pero idineklarang dead-on-arrival ang biktimang si “Toni”, 42-anyos, may-asawa, residente ng naturang lugar at generator set operator ng Napocor.
Sa ulat, dakong alas-5:30 ng hapon habang ikinakabit ng biktima ang bombilya ng tent sa lamay ng kanyang namatay na biyenan nang makuryente at mangisay ito.
Walang malay na bumagsak ang biktima na mabilis isinugod ng mga kaanak sa pagamutan pero hindi na umabot nang buhay.