Pickup truck nag-dive sa bangin: 3 patay!
BAGUIO CITY, Philippines — Tatlo katao ang iniulat na nasawi habang isa pa ang nasugatan nang mahulog ang kanilang sinasakyang pickup truck sa may 100 metrong bangin sa Itogon, Benguet nitong Lunes ng umaga.
Kinilala ng Itogon Police ang mga nasawi sa insidente na sina Amayag Oplas, 29, driver; Ruvelyn Agapinan, 27; at Charles Oplas, 21, habang patuloy na nilalapatan ng lunas sa ospital ang sugatang si Luisito David Bacoco, 14; pawang residente ng Luneta Antamok, Brgy. Ucab, Itogon, Benguet.
Sa inisyal na imbestigasyon, dakong alas-6:45 ng umaga nang maganap ang trahedya sa kahabaan ng Sitio Camanggaan, First Gate, Barangay Ucab, sa Itogon.
Habang bumabagtas ang truck lulan ang apat na biktima sa Baguio-Ucab Road ng nasabing lugar nang biglang sumalpok ito sa concrete barrier sanhi upang mawalan ng kontrol sa manibela ang driver na si Amayag Oplas at tuluy-tuloy na nag-dive ang sasakyan sa may 100-metrong bangin.
Dahil sa lalim ng bangin, pahirapan ang ginawang pagsagip at pagkuha ng mga rumespondeng awtoridad at rescuers sa mga biktima.
Si Oplas ay idineklarang dead-on-the spot habang ang tatlo pang biktima ay mabilis na isinugod ng mga rescuers sa ospital.
- Latest