Motorsiklo sinalpok ng ambulansya, rider dedo

SARIAYA, Quezon, Philippines — Patay ang isang motorcycle rider habang malubhang nasugatan ang kanyang backrider matapos masalpok ng ambulansya sa highway na sakop ng Barangay Tumbaga 1 sa bayang ito kamakalawa ng gabi.

Sa imbestigasyon ng Sariaya Polce, binabagtas dakong alas-7:00 ng gabi ng motorsiklong minamaneho ni alyas “Michael “ ang highway patungo sa Brgy. Sampaloc 2, nang masalpok ng ambulansya na noon ay patungo sa San Pablo City.

Nagtamo ng malubhang pinsala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang parehong sakay ng motorsiklo kung kaya isinugod sila sa ospital subalit idineklarang dead-on-arrival si “Michael” habang patuloy na nilalapatan ng lunas ang angkas niyang si “Benito”.

Sa pahayag naman ng driver ng ambulansya, nang marating niya ang intersection sa nasabing lugar ay bigla umanong lumitaw ang motorsiklo sa kanyang unahan kung kaya sinubukan niyang iwasan subalit natumbok pa rin ito.

Show comments