70-anyos lola ni-rape slay sa sementeryo!

Screengrab from Google Maps shows Sorsogon City in Sorsogon province.
Google Maps

Matapos abangan, pagnakawan ng 3

SORSOGON CITY, Sorsogon, Philippines — Karumal-dumal na kamatayan ang sinapit ng isang 70-anyos na lola na pinagtulungang nakawan, patayin at pinaniniwalaang “ginahasa” pa ng tatlong suspek, dalawa sa kanila ang arestado na, sa loob ng isang sementeryo sa Sorsogon City Public Cemetery, sa Mons Barlin St., Brgy. Almendras, East District, dito sa lungsod kamakalawa ng umaga.

Nakataas ang damit pantaas, wala nang pang-ibabang suot at may sugat sa kaliwang bahagi ng ulo nang matagpuan na nakatihaya sa loob ng isa sa musuleo ng sementeryo ang biktima na itinago sa pangalang “Berna”, dating overseas filipino worker (OFW).

Natagpuan naman sa ‘di kalayuan ang isang bato na may dugo na posibleng ginamit sa pagpalo sa ulo ng lola na sanhi ng kanyang kamatayan.

Sa ulat, dakong alas-7:20 ng umaga, isang residente ang napadaan sa sementeryo at nagulat nang makita ang nakahandusay na matanda sa loob ng musoleyo at agad ipinagbigay alam nito sa mga opisyal ng barangay at pulis. Kasama ang SOCO team ay rumes­ponde ang mga kasapi ng Sorsogon City Police at dito kinumpirma na patay na ang biktima.

Sa inisyal na imbestigasyon, lumalabas na posibleng inabangan ang matanda na na­ningil ng mga pautang at pinaniniwalaang hinatak siya papasok sa loob ng sementeryo saka pinagnakawan, ginahasa at pinatay.

Isinailalim na sa autopsy ang bangkay at inaalam kung nagahasa rin ito.

Sa tulong ng mga saksi at malalim na imbestigasyon ng mga pulis, nakilala ang tatlong suspek at dalawa sa kanila ang mabilis na naaresto habang tinutugis ang isa pa.

Show comments