Bulkang Kanlaon, 3 beses nagbuga ng abo

A netizen from Toledo, Cebu captured the eruption of Kanlaon Volcano on December 9, 2024.
Photos courtesy of Rob Ilumba Ugbinada

MANILA, Philippines — Sa patuloy na pag-aalboroto ng Bulkang Kanlaon sa Negros, tatlong beses na naitala ang ash emissions sa naturang bulkan na may 23 minuto ang tinagal.

Ayon sa Philippine Institute of Volca­nology and Seismology (Phivolcs), nagtala rin ang bulkan ng 13 volcanic quakes sa nakalipas na 24 oras.

Nagluwa rin ang bulkan ng 4,434.5 tonelada ng asupre at nagkaroon ng moderate plumes na nasa 150 meters ang taas sa may timog kanlurang bahagi ng bulkan.

Dulot nito, patuloy na ipinagbabawal ng Phivolcs ang pagpasok ng sinuman sa loob ng 6-kilometer danger zone at bawal din ang magpalipad ng anumang aircraft sa tuktok ng bulkan dahil sa banta ng biglaang pagsabog, pagbuga ng lava, pag ulan ng abo, pyroclastic density current, rockfall at pagdaloy ng lahar kung may malakas na pag-ulan.

Ang Kanlaon volcano ay nasa ilalim pa rin ng alert level 3 na nangangahulugan ng mataas na aktibidad ng bulkan.

Show comments