^

Probinsiya

MPOX nakapasok na sa Baguio City, health officials inalerto ni Magalong

Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon
MPOX nakapasok na sa Baguio City, health officials inalerto ni Magalong
This undated electron microscopic (EM) handout image provided by the Centers for Disease Control and Prevention depicts a monkeypox virion, obtained from a clinical sample associated with the 2003 prairie dog outbreak. It was a thin section image from a human skin sample. On the left were mature, oval-shaped virus particles, and on the right were the crescents, and spherical particles of immature virions.
Cynthia S. Goldsmith / Centers for Disease Control and Prevention / AFP

BAGUIO CITY, Philippines —  Inalerto ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang publiko, matapos na kumpirmahin nitong Sabado ng mga public health officials ang nagtala sila ng kauna-unahang kaso ng monkeypox (MPOX) sa lungsod.

Inabisuhan ni Magalong ang lahat na iobserba ang mga health precautions at nanawagan sa lahat na manatiling kalmado dahil wala namang dahilan para sa panic o lockdown.

Pinayuhan ni Magalong, dating contact tracing czar sa COVID-19 pandemic, ang mamamayan sa lungsod na sundin ang mga karaniwang health protocols tulad ng pagsusuot ng face masks at iobserba ang physical distancing, hand and personal hygiene, at tamang bentilasyon.

Sinabi naman ng Baguio City Health Services Office na pinamumunuan ni City Health Officer Dr. Celia Flor Brillantes, ang unang kaso ng MPOX sa lungsod ay mula sa isang 28-anyos na lalaki.  Ang impeksyon nito ay dulot ng less severe Clade II MPOX virus type at hindi Clade I na kinokonsiderang “deadly” o nakamamatay.

Ang MPOX ay isang viral disease na ang karaniwang sintomas o senyales ay mga rashes o blisters sa katawan.

Ayon sa health officials, nakumpleto na ang isolation sa nasabing pasyente at nagamot noong Enero 17, 2025.

Ang MPOX virus, ayon sa Health Department ay nakahahawa. Ang “human-to-human” transmission ay sanhi ng direct contact na may “skin o mucosal lesions”. Naipapasa ito sa pagsasalita at paghinga, paghalik, paghawak, pagyakap, o sexual intercourse at sa pamamagitan din ng “respiratory secretions”.

Maaari rin umanong makuha (indirectly) ang virus mula sa kontaminadong bedding, clothing o linens at iba pang kagamitan.

MPOX

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with