^

Probinsiya

4 kasabwat sa online scam, huli sa entrapment

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon
4 kasabwat sa online scam, huli sa entrapment
Itinuturo ng biktimang negosyante ang apat na suspek na kasabwat umano sa online scam ng mga piyesa ng motorsiklo nang maaresto sila sa entrapment operation sa Talavera, Nueva Ecija kahapon.
NEPPO

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija, Philippines — Apat katao na umano’y kasabwat sa  online scam ang arestado habang tinutugis pa ang kanilang nagsisilbing lider matapos ang isinagawang entrapment operation ng mga tauhan ng Nueva Ecija Police Provincial Office (NEPPO), kahapon ng madaling-araw sa Barangay Burnay, Talavera, dito sa lalawigan.

Ayon kay P/Col. Ferdinand D. Germino, provincial director ng Nueva Ecija Police, ang mga naaresto ay kinabibilangan ng tatlong lalaki at isang babae na sinasabing sangkot sa online scam ng mga piyesa ng motorsiklo na aabot sa halagang P809,500.

Ang complainant na nakilalang si Renz Cezar Cordova, 32, co-owner ng G Racing Parts and Accessories shop at residente ng Barangay MS Garcia, Cabanatuan City ay nagsumbong sa pulisya na siya umano ay na-scam ng pangunahing suspek na isang 24-anyos na lalaki, na nagpanggap na buyer at reseller ng mga piyesa ng motorsiklo.

Umorder umano ang suspek ng mga piyesa ng motor na nagkakahalaga ng P 809,500 at nagpadala ng pekeng online transaction slip sa bangko bilang patunay ng pagbabayad.

Sa pagtitiwalang lehitimo ang ipinadalang tran­saction slip, agad inayos ni Cordova ang paghahatid ng mga piyesa ng motor sa isang Lalamove rider. Gayunman, nang beripikahin sa bangko, natuklasan nito na walang pumasok na payment sa kanyang bank account at peke ang transaction slip.

Dahil dito, humingi ng tulong si Cordova sa Talavera Police, na mabilis na tumugon at nagkasa ng entrapment operation kasama ang mga tauhan ng NEPPO dakong ala-1:20 ng madaling-araw sa Brgy. Burnay, Talavera.

Sa operasyon, nakatakas ang pangunahing suspek pero naaresto naman ang apat na sinasabing kasabwat nito na kinabibilangan ng isang 25-anyos na lalaki, isang 22-anyos na babae at dalawa pang lalaki.

Nabawi naman ang mga natangay na pambentang piyesa ng motor na umaabot sa halagang P809,500.

NEPPO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with