2 ‘killer’ ng negosyanteng nagpapa-vulcanize, timbog
CAVITE, Philippines — Arestado ang dalawang suspek na sinasabing responsable sa pamamaril at pagpatay sa isang negosyante na nagpapa-vulcanize ng kaniyang sasakyan nitong Enero 10, 2025, sa ikinasang follow-up operation ng pulisya sa Brgy. Langkaan 1, Dasmariñas City kamakalawa ng gabi .
Kapwa nahulihan ng mga baril ang suspek na tinukoy lang ng pulisya sa mga alyas na “Jessie”, 62-anyos at “Renante”, 37; kapwa residente ng Brgy. Langkaan 2 ng nasabing lungsod .
Ayon sa pulisya, alas-7:30 ng gabi nang matiyempuhan nila ang suspek na si Jessie sa Brgy. Langkaan 1 na may bitbit na maiksing baril.
Dahil sa ipinatutupad na election gun ban, inaresto nila si Jesse sa kasong paglabag sa RA 10591 na may kaugnayan sa Section 261 of Omnibus Election .
Habang iniimbestigahan naman si Jesse, itinuro nito sa pulisya ang diumano’y kasabwat nito na si Renante sa pamamaril sa isang negosyante na nagpapa-vulcanize lang kamakailan sa Brgy. Salitran 3.
Kapwa nahulihan ng cal 9mm pistol at .38 caliber ang dalawang suspek.
- Latest