^

Probinsiya

Mag-asawang sakay ng motor, todas sa ambush

John Unson - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY, Philippines — Agad na namatay sa mga tama ng bala ang mag-asawang Moro na na-ambush habang magkaangkas sa motorsiklo sa isang bahagi ng highway sa Barangay Damalusay sa Datu Paglas, Maguindanao del Sur nitong umaga ng Sabado.

Sa inisyal na mga ulat ng Maguindanao del Sur Provincial Police Office at ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, namatay mismo kung saan tinambangan ng mga armadong kalalakihan ang magkabiyak na sina Deru Dimaguil at Suraida Barhama Di­maguil, mga residente ng Datu Paglas.

Ayon kay Police Brig. Gen. Romeo Juan Macapaz, sakay ng kanilang motorsiklo ang mag-asawa, kasama ang kanilang walong-taong gulang na anak na babae ng sila ay pagbabarilin ng mga armadong nakaabang sa kanila na mabilis ding nakatakas.

Ayon sa mga imbestigador ng Datu Paglas Municipal Police Station, masuwerteng nakaligtas sa naturang pananambang ang anak ng nasawing mag-asawa.

Wala pang linaw sa mga imbestigador ng lokal na pulisya at mga kamag-anak ng mga biktima kung sino ang mga nasa likod ng naturang krimen.

CRIME

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with