Drug den sa Angeles City ni-raid ng PDEA, 5 timbog
MANILA, Philippines — Napilay ng mga elemento Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang makeshift drug den sa Angeles City makaraang mahuli ang limang drug suspects at pagkakumpiska sa Php 68,000.00 halaga ng shabu sa ginawang buy-bust operation sa Barangay Sapalibutad sa naturang lunsod.
Kinilala ng PDEA Pampanga Provincial Office ang mga nahuling suspek na sina alias “Gina”, babae, 45-anyos; alias “JV”, lalaki, 23; alias “Rob”, lalaki, 53; alias Harry, lalaki, 36; alias “JC”, lalaki, 23; pawang residente ng Barangay Sapalibutad, Angeles City.
Nakuha mula sa mga suspek ang nasa 10 gramo ng shabu na may halagang P68,000, iba’t ibang drug paraphernalia at buy-bust money na ilalagak sa PDEA-RO 3 laboratory para sa forensic examination.
Ang mga suspek ay kakasuhan ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
- Latest