Sekyu ng bangko sa Subic, binoga sarili
Nanghiram ng baril sa kabaro
SUBIC BAY, Philippines — Patay ang isang civilian security officer ng isang bangko makaraang magbaril umano sa sarili gamit ang hiniram na baril ng kanyang kasamahan sa Argonaut Highway, Subic Bay Freeport Zone kahapon ng hapon.
Sa salaysay ng isang kasamahan ng biktima, natutulog umano sila sa loob ng kanilang armored vehicle nang kumatok ang kasamahan nilang civilian security officer ng kilalang bangko at hiniram ang kanyang baril na 38 revolver.
Katuwiran ng biktima ay mayroon umanong ibinebenta na baril sa kanya.
Habang iniinspeksyon ang hiniram na baril ay walang kaabug-abog na itinutok umano ng biktima ang baril sa kanyang tiyan saka ito ipinutok.
Bumulagta ang biktima sa labas ng kanilang armored vehicle habang kaagad namang tumawag ang mga kasamahan nito ng otoridad.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya kung may naganap na “foul play” sa insidente.
=
- Latest