^

Probinsiya

Dalaga, 1 pa dedo sa aksidente sa Bulacan

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Patay ang 25-anyos na dalagang tumawid sa kalsada matapos aksidenteng masagasaan ng trailer truck sa lungsod ng Meycauayan.

Kinilala ang nasawing biktima na si Rhenielyn, accounting staff at residente ng Brgy. Mojon, Malolos City, Bulacan.

Sa report ng pulisya, naganap ang insidente bandang 8:45 ng gabi nitong January 16, sa Mc Arthur Highway sakop ng Brgy. Saluysoy sa Meycauayan.

Sa inisyal na imbestigasyon at base na rin sa salaysay ng saksi, nag-aalangang tumawid ang biktima subalit tumuloy pa rin siya hanggang sa aksidenteng masagasaan ng truck na paluwas.

Agad na dumating ang rescue team sa lugar subalit idineklarang no signs of life ang biktimang nagkalasug-lasog nang pumailalim sa truck

Nahaharap naman ang driver na nagngangalang Alvin, 33, residente ng Cabatuan, Isabela sa kaukulang kaso habang nasa kostudiya ng pulisya.

Samantala, bandang 4:30 ng madaling araw nitong Enero 17, sa Mc. Arthur Highway, Brgy. Wakas, patay rin ang isang “Narciso”, 26, residente ng Brgy. Mojon, Malolos nang aksidenteng makasalpukan ang Isuzu dump truck na minamaneho ni alyas “Rico”, 48, residente ng Brgy. Siling Matanda, Pandi, Bulacan na nahaharap sa kaukulang kaso habang nasa kostudiya ng pulisya.

RICO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with