Lumang munisipyo sa Sariaya, Quezon hiniling mai-restore

SARIAYA, Quezon, Philippines — Nanawagan ang mga residente at mga tagapagtaguyod ng kasaysayan na isailalim sa restoration at panga­ngalaga ang lumang munisipyo ng Sariaya at iba pang makasaysayang bahay sa bayan.

Ang lumang munisipyo, isang 93-taong-gulang na istrakturang Art Deco na dinisenyo ng kilalang arkitektong si Juan Marcos Arellano, ay itinuturing na isa sa mga natatanging simbolo ng kasaysayan at sining ng bayan.

Sa kasalukuyan, ang lumang munisipyo ay nangangailangan ng agarang restoration upang maiwasan ang tuluyang pagkasira nito.

Sa kabila ng pagtatayo ng bagong munisipyo sa New Sariaya Government Complex, maraming residente ang naniniwala na ang lumang gusali ay nararapat panatilihin bilang bahagi ng pamanang kultural ng bayan.

Ayon sa mga Sariayahin, magandang ideya na i-convert ang lumang munisipyo bilang isang museo na magiging tahanan ng mga larawan, kasangkapan, at kasaysayan ng Sariaya, na magbibigay-edukasyon at inspirasyon sa mga susunod na henerasyon.

Ang Sariaya, Quezon ay kilala bilang Art Deco Capital ng Southern Luzon at Heritage Town ng Quezon. 

Show comments