‘Marites’ tinodas ng kapitbahay

Dead-on-the-spot ang 51-anyos na ginang na nagtamo ng bala ng baril sa likod.
Google Maps

MANILA, Philippines — Isang ginang ang namatay nang barilin ng kaniyang kapitbahay na lalaki na umano’y kanyang itsinitsismis sa Bacolod City.

Dead-on-the-spot ang 51-anyos na ginang na nagtamo ng bala ng baril sa likod.

Nabatid na nag-ugat ang krimen sa hidwaan ng suspek noon pang isang taon.

Ikinakalat umano ng biktima ang tsismis na may ibang karelasyon ang suspek.

Umabot pa umano ang ‘balita’ sa ka-live in ng suspek sa ibang bansa.

Ayon naman sa anak ng ginang, totoo na madalas makipag-usap ang kanilang ina sa iba nilang kapitbahay pero hindi umano ito nakikialam sa buhay ng suspek.

Patuloy namang hinahanap ng mga otoridad ang tumakas na suspek.

Show comments