Islamic preacher nabagsakan ng puno, dedo

Ganito ang nangyari sa bahay ng Islamic preacher na si Ustadz Abdulbayan Banto, nang bagsakan ng mga puno na ikinasawi nito.
John Unson

MANILA, Philippines — Patay ang isang Islamic missionary preacher nang tamaan ng nabuwal na malaking puno ang kanyang maliit na bahay sa Barangay Buayan sa Datu Piang, Maguindanao del Sur nitong hapon ng Martes.

Kinilala ang biktima na si Ustadz Abdulba­yan Banto, na patay nang mahugot mula sa mga parte ng kanyang bahay at mga malalaking sanga ng punongkahoy na dumagan sa kanya.

Nabatid na nabuwal ang naturang puno ng malakas na hangin na paulit-ulit na hinagupit nitong Martes ng hapon ang maraming mga lugar sa Datu Piang at mga karatig na bayan sa Maguindanao del Sur kasabay ng malakas na ulan sa kapaligiran.

Agad na inilibing ng mga kamag-anak si Banto ayon sa tradisyong Islam na dapat mailibing ang patay sa loob lang ng 24 oras mula sa pagpanaw nito.

Show comments