Southern Leyte, niyanig ng magnitude 4.1 na lindol

MANILA, Philippines — Niyanig ng magnitude 4.1 na lindol ang probinsya ng Southern Leyte dakong alas-11:09 ng umaga kahapon, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Base sa tala ng Phivolcs, tectonic ang pinagmulan ng lindol.Namataan ang epicenter nito 9 kilometro ang layo sa hilagang-kanluran ng Hinunangan, Southern Leyte, na may lalim na 10 kilometro. Naitala ang Instrumental Intensity III sa Sogod, Southern, Leyte.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posib­leng aftershocks o pinsala ng lindol.

Show comments