^

Probinsiya

‘Fake news’ sa Bicol Region kinondena ni Mayor Legacion

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
âFake newsâ sa Bicol Region kinondena ni Mayor Legacion
Mayor Nelson Legacion
STAR/File

MANILA, Philippines — “Tama na ang budol, tayo na sa tunay na asenso!”

Ito ang panawagan nitong Miyerkules ni Naga City Mayor Nelson Legacion, congressional bet sa ikatlong distrito ng Camarines Sur at mariing kinondena ang umano’y nagkalat na “fake news” at disimpormasyon sa Bicol Region na hinihina­lang may kaugnayan sa gaganaping Mayo 2025 midterm election.

Kasabay nito, hinamon ni Legacion ang kaniyang mga kalaban sa pulitika na maging tapat at lumaban ng patas sa halip na magpakalat ng mga maling impormasyon o paninira para maka­ungos laban sa kanilang mga katunggali.

Ayon kay Legacion, ang kailangan ng kanilang distrito ay isang mamumuno na may “transformative” na lide­rato kaya dapat lamang na abandonahin ang taktika ng disimpormasyon at magpokus na lamang sa konkretong plataforma at ilahad ang mga accomplishments.

“Ang pag-usapan natin dapat ay programa, plataporma, at kung ano ang nakakabuti sa ating mga kababayan. Camarines Sur has endured de­cades of unfulfilled promi­ses and dynastic rule. It’s time to move forward,” anang opisyal sa isang pulong balitaan sa QC.

Binigyang diin ni Legacion, isang dating seminarista at mula sa partido ng Lakas-CMD ay binira ang umano’y online disinformation campaign na tinatarget ang mga kritiko ng dinastiya ng mga Villafuerte.

Tinukoy ng opisyal ang pinalutang na isyu hinggil sa umano’y pagnanakaw ng relief goods mula sa bodega ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na umano’y walang katotohanan laban sa kaniya, at sina outgoing Camarines Sur 3rd District Rep. Gabriel Bordado Jr. at gubernatorial candidate Bong Rodriguez.

NELSON LEGACION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with