^

Probinsiya

Criminology student arestado sa P7.5 milyong shabu

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Criminology student arestado sa P7.5 milyong shabu
Arrested stock photo.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

MANILA, Philippines — Hindi na matutupad ang pangarap ng isang crimonology student na maging pulis matapos makumpiskahan ng nasa 1.1 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P7.5 milyon sa Cebu City kamakalawa.

Sa report ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Central Visayas, naaresto ang suspek na si “Cari”,  residente sa Sitio Puntod, sa buy-bust operation sa Sitio San Vicente, C. Padilla St., Barangay Duljo-Fatima sa lungsod.

Ayon sa pulisya, kabilang ang suspek sa regional-level high value target (HVT) na umano’y pinagkukunan ng ilegal na droga ng iba pang tulak na nauna na nilang nadakip.

Inginuso ang suspek na siyang nagsu-supply sa kanila ng shabu na ikinakalat naman nila sa kanilang mga lugar.

Kakasuhan ang suspek ng paglabag sa Comprehensive Dange­rous Drugs Act of 2002.

ARRESTED

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with