^

Probinsiya

P8.7 milyong marijuana samsam sa abandonadong van

Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon
P8.7 milyong marijuana samsam sa abandonadong van
Kinilala ni PDEA Region 1 Regional Director Joel B. Plaza ang mga suspek na may dala ng marijuana na sina Felmen Day-os Aliles Jr., alias Dondon; at Amado Paycao alias “Amado A. Gante Jr”., pawang ng Barangay Sasaba, Santol, na nagawang makatakas nang mapansin ang nakalatag na police checkpoint na kanilang dadaanan nitong Biyernes kung kaya inabandona nila ang kanilang sasakyan na Mitsubishi Delica van.
STAR/File

BAGUIO CITY, Philippines — Nadiskubre ng Philippine Drug Enforcement Agency-Region 1 at La Union policemen ang nasa 73 kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakalahaga ng P8,760,000 mula sa abandonadong van sa gilid ng daan nang biglang iwanan ng dalawang suspek sa Barangay Sasaba, Santol, La Union nitong Lunes ng umaga.

Kinilala ni PDEA Region 1 Regional Director Joel B. Plaza ang mga suspek na may dala ng marijuana na sina Felmen Day-os Aliles Jr., alias Dondon; at Amado Paycao alias “Amado A. Gante Jr”., pawang ng Barangay Sasaba, Santol, na nagawang makatakas nang mapansin ang nakalatag na police checkpoint na kanilang dadaanan nitong Biyernes kung kaya inabandona nila ang kanilang sasakyan na Mitsubishi Delica van.

Binantayan ng PDEA agents ang van ng ilang araw hanggang sa makakuha sila ng search warrant para buksan ito nitong Lunes.

Dito tumambad sa kanila ang 73 piraso ng parang rolyo ng marijuana leaves na nakabalot sa transparent plastic bags at packaging tape na may kabuuang timbang na 73 kilograms sa loob ng van.

Sinabi ni Plaza na kanilang kakasuhan ang dalawang nabanggit na suspek dahil sa paglabag sa RA 9165 (The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

MARIJUANA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with