^

Probinsiya

Dahil sa nawawalang misis...Mister ‘napraning’, sanggol tinutukan ng baril

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Arestado ang 49-anyos na lalaking nanutok ng baril sa isang sanggol nang hindi ma­kita ang nawawala niyang asawa sa bayan ng San Miguel.

Sa report na nakarating kay Bulacan Police director PCol. Satur Ediong, kinilala ang suspek sa alyas “Edu”, residente ng Brgy. Pulong Bayabas.

Ayon sa report ng pulisya, nangyari ang insidente bandang alas-10:00 ng gabi nitong Ene­ro 13 sa nasabing lugar.

Lumalabas sa imbestigasyon, pumunta ang galit na suspek sa bahay ng pamilya ng biktima para ilabas ang kanyang hinahanap na asawa kasabay ang pagtutok ng baril sa ulo ng 9-month old na sanggol na naroroon.

Nang makarating sa mga awtoridad ang nangyari ay agad silang rumes­ponde sa lugar kaya agad nahuli ang suspek at nasamsam ang improvised gun at 16-gauge live round of ammunition.

ARRESTED

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with