^

Probinsiya

‘Tulak’ sa Albay huli sa P5 milyong droga

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

CAMALIG, Albay, Philippines — Walang kawala ang isang itinuturing na high value individual (HVI) na tulak ng droga matapos maaresto at mahulihan ng mahigit 5-milyong pisong halaga ng shabu sa Purok-3, Brgy. Salugan ng bayang ito, kahapon ng umaga.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek na kinilalang si “Anton”, 47-anyos, residente ng Purok-Candaba, Brgy. Magurang, Polangui, Albay.

Sa ulat, dakong alas-6:55 ng umaga, katuwang ang mga kasapi ng Camalig Police Station, Provincial Intelligence Unit ng Albay Police Provincial Office at mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ay inilatag ng Regional Police Drug Enforcement Unit 5 ng Police Regional Office 5 ang buy-bust operation laban sa suspek. Agad itong inaresto nang ­iabot sa poseur buyer ang biniling droga at tanggapin ang boodle money na ginamit sa buy-bust.

Nakuha mula sa suspek ang tatlong bungkos ng plastik na may lamang shabu na tumitimbang lahat ng 750-gramo at nagkakahalaga ng P5,100,000.

DRUGS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with