^

Probinsiya

Bebot kasiping ang kabit, dedo sa dyowa

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Bebot kasiping ang kabit, dedo sa dyowa
Ang biktima na nagtamo ng limang saksak sa tiyan na kanyang ikinasawi ay kinilalang si alyas Marivic, 22, stay-in sa construction site kung saan din nagtatrabaho ang karelasyon nito at kalaguyo.
STAR/File

MANILA, Philippines — Namatay habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang isang 22-anyos na babae matapos na saluhin ang mga saksak mula sa ka-live in na para sana sa kabit nito nang mahuli silang magkapatong sa kama sa loob ng barracks sa Brgy.Salitran,Dasmariñas City, Cavite.

Ang biktima na nagtamo ng limang saksak sa tiyan na kanyang ikinasawi ay kinilalang si alyas Marivic, 22, stay-in sa construction site kung saan din nagtatrabaho ang karelasyon nito at kalaguyo.

Sa ulat ng pulisya, alas-3:00 ng madaling araw nang maganap ang krimen sa loob ng barracks sa construction Site sa kahabaan ng Aguinaldo Hi-way, Barangay Salitran 2, Dasmariñas City.

Nabatid na nagising ang suspek na kinilala si alyas Joseph, 26, construction worker, stay-in din sa nasabing construction site at hinanap nito ang biktima.

Sa pag-iikot nito ay napansin nito ang tsinelas ng biktima sa labas ng barracks ng kasamahan sa trabaho na si alyas Ryan at nang pagpasok ay bumulaga sa kaniya na nakapatong ang kinakasama sa huli.

Sa tindi ng galit nito ay kinuha nito ang patalim na nakasiksik sa bewang nito at ­inundayan ng saksak si Ryan, subalit humarang ang biktima kung kaya ito ang sumalo sa sunod sunod na saksak ng suspek.

Agad itinakbo sa Medical Center Imus ang biktima, subalit pagkatapos ng isinagawang operasyon ay binawian din ito ng buhay.

DEAD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with