MANILA, Philippines — Dalawang katao ang nasawi sa magkahiwalay na pamamaril sa Bangsamoro Region,nitong Biyernes ng gabi.
Sa ulat ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region nitong Lunes,unang nasawi nitong Linggo ng gabi ang biktimang si Zulkarnain Mustapha na binaril ng mga nakikilalang mga salarin habang nakatayo sa gilid ng highway sa Barangay Limbo sa Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte.
Ang nasawi na si Mustapha ay residente ng Barangay Bagua sa Cotabato City.
Ang ikalawang biktima ng pamamaril ay kinilalang si Norhaya Samo Etoh na tinambangan habang sakay ng kanyang motor ng mga armado sa Barangay Poblacion 8, Cotabato City nitong umaga ng Lunes na agad nasawi sa mga tama ng bala sa ulo.