Puganteng Amerikano nasakote sa Nueva Ecija

Iniulat ni BI Nueva Ecija head Rick Carlo Balingit ang pagharang kay Michael Lewis Ginsberg, 67, matapos nitong tangkaing pala­wigin ang kanyang tourist visa sa field office ng BI sa Cabanatuan.

MANILA, Philippines — Isang Amerikano na pinaghahanap sa kanyang sariling bayan dahil sa kinahaharap nitong sexual assault ang naharang ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Nueva Ecija.

Iniulat ni BI Nueva Ecija head Rick Carlo Balingit ang pagharang kay Michael Lewis Ginsberg, 67, matapos nitong tangkaing pala­wigin ang kanyang tourist visa sa field office ng BI sa Cabanatuan.

Ayon sa BI, makaraang matanggap ng nasabing dayuhan ang kanyang aplikas­yon ay nagsagawa ng regular na derogatory check ang assessor na si Nicole Matulac, at nalaman na mayroon siyang aktibong watchlist para sa isang kaso ng immigration deportation.

Ayon sa mga otoridad ng US, si Ginsberg ay napapailalim sa warrant of arrest para sa isang bilang ng sexual assault ng Superior Court ng Maricopa County sa Arizona na may petsang Hulyo 2024.

Sinabi ng gobyerno ng US na ang kanyang pasaporte ay isinasailalim na sa proseso upang bawiin ito sa kanya.

Agad siyang inaresto ng fugitive search unit (FSU) ng BI at nakakulong ngayon sa pasilidad ng BI sa loob ng Camp Bagong Diwa sa Bicutan,Taguig habang nakabinbin ang deportasyon.

Show comments