^

Probinsiya

Lalaking nanunungkit ng mangga nakuryente, tigok

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang 25-anyos na lalaking nanunungkit ng mangga ang nasawi matapos makuryente nang madikit ang panungkit nito sa isang live wire naganap nitong Sabado ng hapon  sa lalawigan ng Pangasinan.

Ayon sa mga awtoridad, ang biktima na isang welder na tubong-Silang, Cavite at nanunuluyan sa Agriculture Trai­ning Institute (ATI) sa Sta. Barbara ng lalawigang ito.

Base sa pahayag ng mga kasama nito sa trabaho, umakyat sa puno ng mangga ang biktima para mamitas ng bunga.

Habang nagsusungkit ng bunga ng mangga ay aksidenteng nadikit umano sa live wire ang ginagamit nitong panungkit na tubular pipe kaya nakuryente ang biktima at saka nahulog.

Ang biktima ay agad na isinugod sa Urdaneta City District Hospital sa Urdaneta City, Pangasinan, subalit, idineklarang dead-on-arrival.

ACCIDENT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with