Bagitong tulak, timbog sa P600K shabu

TIAONG, Quezon, Philippines — Kulungan ang binagsakan ng bagitong tulak ng ipinagbabawal na droga matapos na malambat sa buy-bust operation at nakum­piskahan ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng mahigit sa P600,000.00 kamakalawa ng gabi sa Barangay Lumingon sa bayang ito.

Kinilala ng pulisya ang nadakip na si alias Mundoy, 34, binata, kabilang sa talaan ng Stress Level Individual (SLI) at residente ng Barangay Quipot.

Ayon kay PMajor. Eric Veluz, chief ng Drug Enforcement Unit, bandang alas-10:30 ng gabi nang isagawa nila ang anti drug operation laban sa suspek.

Naunang makum­piskahan ng mahigit sa P1,000 halaga ng shabu ang suspek at sa pagpapatuloy ng pagsasaliksik sa kanyang mga kagamitan ay nakuhaan pa ito ng walong plastic sachet na naglalaman ng suspected shabu na tumi­timbang ng 33.2 grams at nagkakahalaga ng P677, 280.00.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek.

Show comments