Babae patay, 1 pa sugatan sa ambush

Mga tama ng bala sa ulo ang ikinamatay ni Teodora Aranayi, biktima ng ambush sa Tipo-Tipo, Basilan nitong Biyernes.

COTABATO CITY, Philippines — Agad na namatay sa mga tama ng bala sa ulo ang isang babaeng dealer ng mga higaang kutson at sugatan naman ang kanyang kasama sa isang ambush sa Barangay Lagayas sa Tipo-Tipo, Basilan nitong hapon ng Biyernes.

Sa ulat kahapon ni Brig. Gen. Romeo Juan Macapaz, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, kinilala ang nasawing si Teodora Aranayi habang nagtamo naman ng mga tama ng bala sa tiyan si Ariel Repecio.

Sa ulat, magkaangkas sa motorsiklo ang dalawa, galing sa Barangay Tumahubong sa Sumisip, at pauwi na sa Barangay Cabunbata sa Isabela City, Basilan nang pagbabarilin ng mga lalaking nakaabang sa kanila sa Barangay Lagayas.

Mabilis na nakatakas ang mga salarin gamit ang isang motorsiklo.

Show comments