^

Probinsiya

Patay na sanggol itinapon sa basurahan

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang patay na sanggol ang natagpuang sa basurahan ng banyo ng isang establisimyento Tuguegarao City noong Biyernes ng hapon.

Ayon kay Tuguegarao City Police Station (TCPS) officer PCapt. Gilbert Fajarillo, lumitaw sa pagsusuri ng People’s General Hospital na isang babae ang sanggol na nasa pitong buwan.

Sinabi ni Pajarillo, nakita ng isang Rosemarie Tumbali, utility worker sa Mall of the Valley ang patay ng sanggol ng 5:30 ng hapon kahapon habang siya ay naglilinis at nangongolekta ng basura sa unang palapag ng mall.

Batay sa salaysay ni Tumbali, inusisa niya ang isang ecobag na nasa basurahan sa palikuran, kung saan may nakalagay sa loob nito na karton ng sapatos.

Nang buksan niya ito, laking gulat nang makita niya ang patay ng sanggol.

Ayon sa TCPS, tinitig­nan na nila ang mga CCTV na malapit sa nasabing palikuran upang malaman kung sino ang nag-iwan sa nasabing sanggol.

Sa report, ayon kay Fajarillo, isang maliit na babae ang kanilang pinaghihinalaan na nag-iwan sa nasabing sanggol.

CRIME

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with