Nursing stude, trader na-trap sa sunog, tepok

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Kapwa patay nang matagpuan ang isang nursing student at isang negosyante matapos ma-trap sa loob ng kanilang nasusunog na bahay sa Tanchuling Subdivision sa Purok-5, Brgy. 42 Rawis, dito sa lungsod, noong Huwebes ng gabi.

Sa panayam kay SFO4 Garry Santander, deputy chief fire marshal ng Legazpi City-Bureau of Fire Protection posibleng na-trap at hindi agad nakalabas sa kanilang tinitirhan ang mga biktima na kinilala lamang sa pangalang “Prescilla”, 21-anyos, dalaga, nur­sing student at negos­yanteng si “Edmund”, 42-anyos.

Sa ulat, dakong alas-10 ng gabi, ginulantang ang mga residente ng naglalagablab na apoy sa bahay ng mga biktima.

Mabilis namang rumesponde ang anim na fire trucks at sinubukan pang saklolohan ang mga biktima pero hindi na kinaya dahil sa laki ng apoy ng nasusunog na tahanan.

Napag-alamang sa 9 katao na nakatira sa naturang bahay ay pito ang agad nakalabas habang naiwan at na-trap ang dalawang nasabing biktima.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga arson investigators ng BFP-Legazpi City sa sanhi ng sunog at sa pinsalang idinulot nito.

Show comments