P46-smuggled ‘ukay’ nakumpiska ng CIDG

MANILA, Philippines — Nakumpiska ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang nasa P46 milyon halaga ng  smuggled na mga damit sa lalawigan ng  Bulacan.

Ayon kay CIDG chief Brig. Gen. Nicolas Torre III ang mga suspek na sina alyas Shawn, Liang, at tatlong iba pa  ay inaresto sa isinagawa nilang raid sa ilalim ng Oplan Megashopper nitong Miyerkules kung saan target ang mga illegal warehouses sa Meycauayan City, Bulacan na sangkot sa pagpupuslit ng mga ukay-ukay.

Sinamsam din ng CIDG ang isang Isuzu truck, iba’t ibang business documents, 23,614 bundles ng used imported clothing (ukay-ukay), passports at mga identification cards.

Sasampahan ng  kasong paglabag sa R.A. 4653 (An Act Prohibiting the Commercial Importation of Textile Articles Commonly Known as Used Clothing and Rags) ang mga suspek.

“Ang mga ganitong operasyon ay patunay ng aming dedikasyon sa paglaban sa mga krimen na sumisira sa ekonomiya ng bansa. Patuloy ka­ming magbabantay upang masiguro ang kaligtasan at kapakanan ng bawat Pilipino,” ani Torre.

Show comments