Babae pinatay sa gilid ng iskul

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Isang babae na trabahador ng botika ang natagpuang patay sa gilid ng kalsada ng isang paaralan sa Barangay Lumbangan, Nasugbu nitong Huwebes ng umaga.

Ayon sa kagawad ng Barangay Cogunan na si alyas Ariel, kasama ang anak na nagtatrabaho sa isang fast food chain sa Nasugbu, ay patungo na sa trabaho nang madiskubre ang isang babae na kalaunan ay kinilalang si alyas “Jessa”, 38, habang nakahandusay sa kalsada noong Huwebes bandang alas-4:30 ng madaling-araw.

Si Jessa ay puno ng mga dugo sa kanyang ulo at sa kanang ibabang bahagi ng kanyang tiyan.

Sinabi ng pulisya na ang biktima ay huling umalis sa kanyang bahay upang makipagkita sa isang tao bago siya natagpuang patay.

Sinabi ng mga residente sa pulisya na nakarinig sila ng putok ng baril sa gilid ng barangay road sa tabi ng Lumbangan National High School.

Show comments