COTABATO CITY, Philippines — Itinalaga ni Bangsamoro Chief Minister Ahod Balawag Ebrahim si Regional Health Minister Kadil Monera Sinolinding, Jr. bilang hepe ng Tamparan Provincial Hospital sa Lanao del Sur.
Bagama’t December 10, 2024 pa nilagdaan ni Ebrahim ang designation ng physician-ophthalmologist na si Sinolinding, nitong Enero 8, 2025, lang inilabas ng Office of the Chief Minister-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang naturang dokumento.
Walang karagdagang bayad kay Sinolinding mula sa BARMM government and kanyang extra duty bilang hepe ng Tamparan Provincial Hospital sa Lanao del Sur. Isang taon ang tagal ng panunungkulan ni Sinolinding bilang chief ng naturang pagamutan.
Si Sinolinding, maliban sa pagiging health minister ay kasapi ng Bangsamoro regional parliament.