Estudyante na-trap sa sunog na boarding house, patay!

Pasado alas-9 ng ­umaga nailabas ang bangkay ng biktima na itinago sa pangalang “Gelo”, 17-anyos, accountancy student ng Bicol University at residente ng Brgy. Gangaw, Baleno, Masbate na natagpuan sa isang bahagi ng nasunog na commercial building na ginawang boarding house.
STAR/File

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Patay na nang matagpuan ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang isang binatil­yong estudyante matapos ma-trap sa nasusunog na gusali na ginawang boarding house sa kahabaan ng Rizal Street, Purok-1, Brgy.17, Legazpi City, Albay sa kabila ng malalakas na buhos ng ulan kahapon ng madaling araw.

Pasado alas-9 ng ­umaga nailabas ang bangkay ng biktima na itinago sa pangalang “Gelo”, 17-anyos, accountancy student ng Bicol University at residente ng Brgy. Gangaw, Baleno, Masbate na natagpuan sa isang bahagi ng nasunog na commercial building na ginawang boarding house.

Sa ulat, alas-4:20 ng madaling araw, nakarinig ng malakas na pagsabog ang ilang residente at nang tingnan ay nakita ang makapal at maitim nang usok mula sa harapang bahagi ng gusali ng I.M Laundry Mat. Kasunod nito ay ang malakas na paglagablab ng apoy mula sa loob.

Mabilis na rumesponde ang mga pamatay sunog at mga tauhan ng Legazpi City Police Station pero hindi na nagawang mai­salba ang biktima.

Dakong alas-5:20 ng umaga nang ideklarang fireout habang patuloy ang imbestigasyon ng mga kasapi ng Bureau of Fire Protection sa insidente.

Show comments