Caretaker niratrat ng tandem sa Rizal
MANILA, Philippines — Dead-on-the-spot ang isang caretaker nang paulanan ng bala ng riding-in-tandem sa Morong, Rizal kamakalawa.
Ang biktimang si Romelito Del Castillo, 54, ng Sitio Malalim, Brgy. Maybancal, Morong, ay nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan habang nakatakas ang mga suspek na natukoy sa mga alyas na “Roger”, kapitbahay ng biktima, at “John”.
Sa ulat ng Morong Municipal Police, alas-4:20 ng hapon habang nakatayo ang biktima sa gilid ng kalsada, ‘di kalayuan sa tahanan nito, nang bigla na lang dumating ang mga suspek na magkaangkas sa pulang scooter.
Kaagad bumaba sa scooter si alyas Roger at walang sabi-sabing pinagbabaril ang biktima bago sila mabilis na tumakas, bitbit ang armas na ginamit sa krimen.
- Latest