^

Probinsiya

6-anyos totoy lunod sa dagat

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

MANITO, Albay, Philippines — Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan ang isang 6-anyos na batang lalaki matapos malunod habang naliligo sa dagat kasama ang dalawa pang kalaro sa baybaying sakop ng Purok-9 Pansod, Brgy. It-ba, Manito, Albay kamakalawa ng hapon.

Sinubukan pang isugod ng mga kasapi ng rescue team ng Bureau of Fire Protection sa Manito Municipal Hospital pero ideneklarang dead-on-arrival ang biktima na kinilalang si “Danny”, residente ng naturang lugar.

Sa ulat, alas-12 ng tanghali magkakasamang ­nagtungo sa baybayin ang tatlong bata na magkaka­laro upang mag-swmming sa dagat. Gayunman, alas-2 umano ng hapon ay napansing nawawala na si Danny kaya humingi sila ng tulong sa mga residente.

Mabilis na rumesponde ang mga tauhan ng pamatay sunog at agad hinanap sa ilalim ng dagat ang biktima.

Ilang sandali ay nakita ang bata sa malalim na bahagi ng dagat na nakalubog ang dalawang paa sa putik sa ilalim na pinaniniwalaang dahilan para hindi agad ito nakaalis hanggang nalunod.

ACCIDENT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with