2 barangay kagawad sa Zamboanga utas sa ambush!

Agad namatay sa mga tama ng bala ang barangay kagawad na si Joemar Requilme nang tamba- ngan habang lulan ng kanyang motorsiklo sa San Miguel, Zamboanga del Sur nitong hapon ng Sabado.
John Unson

COTABATO CITY, Philippines — Dalawang barangay kagawad na nakabase sa Zamboanga del Sur ang magkasunod na tumimbuwang matapos na parehong tambangan at pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan nitong Biyernes ng gabi at Sabado ng hapon sa nasabing lalawigan.

Ayon kay Brig. Gen. Bowenn Joey Masau­ding, director ng Police Regional Office-9, sakay ng kanyang motorsiklo ang biktimang si Joemar Requilme, kagawad ng Barangay Lantawan, San Miguel, Zamboanga del Sur, nang tamba­ngan ng mga lalaking armado ng mga pistols sa isang liblib na bahagi

ng highway sa Barangay Poblacion, San Miguel, Zamboanga del Sur na nagresulta sa kanyang agarang pagkamatay.

Mabilis na nakatakas ang mga pumatay kay Requilme, gamit ang kanilang mga get-away motorcycle.

Nauna rito, napatay rin sa pananambang si Michael Virallo nitong Biyernes ng gabi sa Barangay Upper Dumalinao sa Dumalinao, Zamboanga del Sur.

Si Virallo, isang akti­bong kagawad ng Barangay Upper Dumalinao ay naglalakad mag-isa sa Sitio Mangga sa natu­rang barangay nang lapitan ng mga armadong

 lalaki at pinagbabaril ng mga pistols at nang kanilang mapatay ay agad na tumakas.

Nagtamo ng 12 na tama ng bala sa ulo at katawan si Virallo, ayon sa ulat ng Dumalinao Municipal Police.

Show comments