Ginang nasapol ng kidlat sa tubuhan, tepok
MANILA, Philippines — Patay ang isang 57-anyos na ginang matapos na tamaan ng talim ng kidlat habang nasa taniman ng tubo sa Brgy. Don Salvador Benedicto, Pontevedra, Negros Occidental nitong Sabado.
Sa report na nakarating sa Negros Occidental Provincial Police Office (PPO), kinilala ang biktima na si Trinidad Baliguat, residente ng nasabing barangay.
Sa salaysay ng pamangkin ng biktima sa pulisya, abala ang tiyahin sa taniman ng tubo nang biglang bumuhos ang malakas na ulan dulot ng thunderstorm. Kasunod nito ay isang malakas na kidlat ang biglang sumapol sa katawan ng nasabing ginang na agad nagkikisay sa insidente at namatay.
Nadiskubre naman ang bangkay ng biktima ng mga kasamahan nitong manggagawa sa tubuhan matapos ang isang oras.
- Latest