^

Probinsiya

‘Freeze order’ sa bank account ng steel firm, pinatatanggal ng korte

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Iniutos ng korte sa Misamis Oriental sa isang kilalang bangko at sa branch manager nito sa Lapasan Business Center na tanggalin ang freeze order sa bank account ng Philippine Sanjia Steel Corporation dahil sa basehang walang merito ang naging aksyon ng bangko.

Sa desisyon ni Misamis Oriental Regional Trial Court (RTC) Branch 41 Judge Jeoffre Acebido na may petsang Disyembre 23, pinagtibay nito ang nauna nang resolusyon na ipinalabas noong Disyembre 10, at sa inisyu na Temporary Restraining Order (TRO) noong Disyembre 18.

Iginiit ni Judge Acebido ang mahigpit na pagsunod ng bangko at ng branch manager sa naging kautusan ng korte.

“The order is to protect the rights of the plaintiff and ensure adherence to judicial directives. The case underscores the importance of safeguarding corporate rights and ensuring judicial orders are respected in financial disputes,” nakasaad sa desisyon.

Ipinaliwanag ni Philippine Sanjia Steel Corp. corporate secretary John Paul Gonzales na ang ginawang pag-freeze ng kanilang account ay malinaw na labag sa batas kaya nagpasaklolo na sila sa korte.

Ang dalawang panig sa pamamagitan ng kanilang abogado na sina Atty. Alphon Lagamon at Atty. David Rafael Mariano ay naimpormahan na sa desisyon at iniutos ang agarang pagpapatupad ng kautusan ng korte.

RTC

TRO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with