CAVITE, Philippines — Nasa maselang kalagayan sa ospital ang isang 17-anyos na binatilyo makaraang masapol ng ligaw na bala mula sa kapitbahay nitong nagpaputok ng baril nitong New Year’s Day ng madaling araw sa Brgy. Paliparan 3, Dasmariñas City.
Dalawang araw na bago pa man naiulat sa pulisya ng City Health Office ang naganap na insidente.
Batay sa report, ala-1 ng madaling araw noong Enero 1 nang maganap ang pangyayari sa Phase 3 Site, Brgy. Paliparan 3, Dasmariñas City, ayon sa salaysay ng lola ng biktimang si alyas “JC”, estudyante at residente ng Phase 3 Site, Brgy. Paliparan 3, nasa labas ng bahay ang biktima habang nagdiriwang ng pagsalubong sa Bagong Taon at nanonood ng mga fireworks nang magpaputok ng maiksing baril ang kapitbahay na si alyas “Noel”, nasa hustong gulang.
Sa sementadong lupa naman umano ito nakatutok subalit nag-bounce ang bala at nasapol ng stray bullet ang kanang mata ng biktima.
Agad na itinakbo sa Pagamutan ng Dasmariñas ang biktima at kalaunan ay inilipat agad sa Philippine General Hospitalhinggil sa maselang tama nito sa mata.
Tumakas naman ang suspek tangay ang baril na gamit sa pagpapaputok.