^

Probinsiya

Mister hinataw sa ulo saka hinagis sa sapa

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

MINALABAC, Camarines Sur, Philippines — Patay na nang matagpuan ng mga pulis at mga residente sa isang bahagi ng sapa ang isang 25-anyos na mister na inihulog matapos hatawin ng matigas na bagay sa ulo sa Zone-4, Brgy. Catanusan, Minalabac, Camarines Sur kahapon ng madaling araw.

Isinailalim na sa autopsy upang malaman kung pagkalunod o paghataw sa ulo ang ikinasawi ng biktima na kinilala lamang sa pangalang Marco, may-asawa.

Agad namang naaresto ng mga rumespondeng pulis ang suspek na si Christian, 34-anyos, binata, kapwa residente ng naturang lugar.

Sa ulat, dakong alas-6:49 ng gabi ay tumawag ng responde sa Minalabac Police Station si Brgy. Chairman Annieliza Papa hinggil sa kaguluhan sa kanilang lugar. Sa hindi malaman umanong dahilan, hinataw ng matigas na bagay sa ulo ang biktima at saka inihulog ng suspek sa sapa.

Mabilis na rumes­ponde ang mga pulis at naaresto ang suspek.

Gayunman, dahil sa dilim ay umabot hanggang kahapon ng pasado ala-1 ng madaling araw ang paghahanap sa biktima na patay na nang matagpuan.

Patuloy sa ginagawang imbestigasyon at inihahanda na ng mga pulis ang kasong pamamaslang laban sa nakakulong na suspek.

CAMARINES SUR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with