^

Probinsiya

Sunog sa Bagong Taon sumiklab: Lalaki tepok, 26 bahay at simbahan tupok

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Malungkot na Ba­gong Taon ang sinapit ng ilang pamilya matapos na matupok ang kanilang tahanan nang sumiklab ang malaking sunog na ikinasawi ng isang lalaki at puminsala sa may P37.5 milyong halaga ng mga ari-arian nitong Miyerkukes ng gabi sa kahabaan ng Kennon Road, Tuba, Benguet.

Ang nasawing biktima ay nakilalang si Eric Dili Pacio, taga-Brgy. Mayag Bauko, Tadian, Mountain Province.

Sa ulat ng Office of Civil Defense (OCD) Cordillera at ng Police Regional Office (PRO), dakong alas-5:30 ng umaga nang magsimula ang sunog sa Camp 4, Kennon Road, Tuba ng lalawigang ito.

Ang sunog ay mabilis na kumalat na tumupok sa 26 kabahayan na pinaninirahan ng nasa 36 pamilya sa lugar.

Bukod sa mga kabahayan, napinsala rin ng sunog ang pook sambahan ng Iglesia ni Cristo (INC) sa lugar.

Idineklara naman ng mga nagrespondeng bumbero na kontrolado na ang sunog bandang alas-7 ng umaga.

Sa isinagawang clearing operations ng mga bumbero at iba pang rescue team ay narekober ang bangkay ng isang lalaki na na-trap sa sunog.

Ipinag-utos naman ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang pansamantalang pagpapasara sa Kennon Road bunga ng insidente habang patuloy ang imbestigasyon sa insidente.

OCD

SUNOG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with