^

Probinsiya

Mag-ina, 1-anyos tepok sa sunog sa Cebu

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Mag-ina, 1-anyos tepok sa sunog sa Cebu
Sa report ng Cebu Fire Marshal, patay sina Mylene Lubanga, 33, at anak nitong si Regil Kent Lubanga makaraang masunog ang kanilang tahanan pasado alas-12 ng madaling araw nitong Disyembre 30.
STAR / File

MANILA, Philippines — Tatlo katao ang iniulat na nasawi matapos na makulong ng apoy sa magkahiwalay na sunog sa pagsalubong sa Bagong Taon sa lalawigan ng Cebu.

Sa report ng Cebu Fire Marshal, patay sina Mylene Lubanga, 33, at anak nitong si Regil Kent Lubanga makaraang masunog ang kanilang tahanan pasado alas-12 ng madaling araw nitong Disyembre 30.

Sa inisyal na imbestigasyon, pasado alas-8 ng gabi nang mag-brownout sa Sitio Nangka, Brgy. Ilihan, Tabogon bunsod upang magsindi ng kandila ang pamilya Lubanga a hinihinalang­ inilagay sa plastic na ­upuan at posibleng nadikit ito sa kurtina na siyang sanhi upang sumiklab ang sunog.

Nagawa pang makalabas ng ginang nang magising ito pero nang makitang wala ang kaniyang anak ay muli siyang bumalik sa loob ng nasusunog nilang bahay at dito’y nadiskubreng nagtago sa loob ng cabinet ang anak. Gayunman, nabigo nang makalabas ang mag-ina nang ma-trap ng apoy sanhi ng kanilang pagkasawi.

Samantala, alas-3:45 ng hapon nitong Linggo nang makulong din ng apoy sa loob ng kanilang nasusunog na bahay ang 1-taong gulang na si Rhea May Cruz sa Brgy. Taytayan, Bogo City habang nagawang makalabas ang tatlo nitong kapatid. Wala ang ama ng magkakapatid nang maganap ang sunog dahil sa may trabaho ito bilang delivery driver habang ang kanilang ina ay nagtatrabaho rin sa Maynila.

FIRE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with