Hideout ng ‘most wanted’ ni-raid, mga armas Samsam
COTABATO CITY , Philippines - Nakumpiska ng magkasanib na mga pulis at sundalo ang mga mataas na kalibre ng baril at rocket launcher ng isang most wanted person (MWP) dahil sa iba’t ibang mga krimen sa ikinasang raid sa kanyang hideout sa Barangay Manaulanan, Tugunan, Cotabato nitong Sabado ng madaling araw.
Nakatakas naman sa operasyon si Dauren Maanampen, ng Tugunan, Cotabato na sinasabing matagal nang wanted sa pulisya dahil sa iba’t ibang kaso kabilang ang umano’y madalas na panggugulo sa Barangay Manaulanan, pangingikil ng pera sa mga residente at pagbebenta diumano ng shabu at marijuana.
Sa ulat, hahainan sana ng mga warrant of arrests si Manampen ng magkasanib na mga operatiba ng Maguindanao del Norte Provincial Police Office na pinamumunuan ni Col. Joel Estaris, at Pikit Municipal Police Station at mga tropa ng 90th Infantry Battalion ng Philippine Army sa kanyang hideout sa Barangay Manaulanan pero mabilis na nakatakas at doon natagpuan ang kanyang naiwang mga armas.
Ang mga nasamsam na armas ay kinabibilangan ng isang M16 rifle, isang M14 rifle, isang .50 caliber Barrett rifle, isang 7.62mm bolt-action sniper rifle, isang B40 anti-tank launcher at isang 45 pistol, gagamiting ebidensya sa pagsampa ng panibagong kaso laban sa kanya.
- Latest